Thursday, December 27, 2012

Paunang Salita

Ano nga ba nag dahilan kung bakit ko ginawa ng blog na ito? Maraming iba't ibang rason kung bakit, siguro baka dahil gawa narin ng wala akong magawa sa oras na ito, o dahil sadyang gusto kong ibahagi ang isang parte ng buhay ko. Pero sino nga ba si pinoyboytoy?

Isa ako sa matatawag natin na "makabagong lalaki", yung tipong pumapatol din sa kapwa lalaki. Yung tipong hindi pumupunta para sa mga bar, o sa mga inuman para makapaghanap ng chicks. At yung tipong naiilang pag sinasabihan ng "pare" o kaya ng "bro". Oo, tama, isa akong bading na patuloy na sinusubukan na maging tunay na lalaki. Isang bading na umaasa na balang-araw eh mawawala din itong nararamdaman ko sa kapwa kong lalaki. Pero sa araw araw na ginawa ng diyos, eh mas lalo kong nasasabi sa sarili ko na baka lalaki nga rin ang gusto ko.

Dito sa blog na ito ko ik-kwento ang iba't ibang mga kakaibang experiences na naranasan ko. May mga nakakatawa, nakakatakot, nakakaiyak, at madalas ay mga masasarap nga karanasan na hindi ko lubos maipapaliwanag, pero sana ay mabigyan ko ng hustisya. Dito ko ilalabas ang mga kwento na kahit sino ay wala pang nakakaalam, at mga bagay na hindi basta basta pinaguusapan sa hapagkainan. 

Dahil sa bawat "oohh" at "ahh" na nasasabi, at sa bawat putok na nailalabas, eh kalikod nito ang iba't ibang kwento, na sabihin na nating, R18.

Kaya kung kayo man ay hindi kumportable sa ganitong sitwasyon, eh malaya kayong i-close ang tab na ito, at bumalik sa pag f-facebook. Pero sana ay bigyan niyo ng pagkakataon na basahin ang mga kwento dito, at ng mas maintindihan niyo na hindi madali maging bakla.

No comments:

Post a Comment