Thursday, December 27, 2012

Grindr Xtra!

"Uy, ang daming gwapo sa Grindr."

Sabi ng isang kaibigan ko sakin. Napa-isip ako, ano ang Grindr? Akala ko dati lugar siya ng mga bading, or isang gay bar, oh di kaya naman isang pagkain. Pinakita niya sakin ang iPhone niya, sabay sabi, "Ito oh!".

Nagulat ako sa nakita ko. Puno ng mga litrato ng mga lalaki ang screen ng phone niya. May mga gwapo, meron din naman hindi kagwapuhan, at madaming mga katawan na titigan mo lang eh talagang titigasan ka sa sarap.

"Ano yan?" tanong ko sa kaibigan ko.

"Di mo alam to? App siya, na pang bading." sabay tawa.

App na pang bading? Hmm. Mukhang interesting. Tinanong ko kung anong nagagawa ng app na yun.

"Basta pag naka wi-fi ka or 3G, makikita mo yung mga guys na online na malapit sayo. Pwede mo silang i-chat, tapos pwede kayo mag meet up. Pero grabe andaming gwapo ngayon." sabi ng kaibigan ko.

Hiniram ko ang phone niya, sabay tingin sa mga lalaking nasa Grindr. Oo nga, shit, ang daming gwapo. Yung iba hindi mo aakalain na bading, at yung iba naman sobra kung makangiti, parang matutunaw ka sa ka-cutan. 

Di mo aakalain na ganun lang pala kabilis makipag meet-up mga bading ngayon. Napaisip ako kung ganun ganun na nga lang talaga ang kailangan gawin para sa sex. May app pa para dun. Kahit sabihin natin na NSA (No Strings Attached), eh mas malala pa nga yun dahil dun mo masasabi na ang mga bading ngayon ay nakikipag-sex para lang sa pleasure at kaya niya itong gawin kahit sa taong hindi lubusang kilala.

Ganun na nga ba ang basehan ngayon? Kailangan ba talaga gwapo, maganda katawan, at malakas ang appeal? Napaisip tuloy ako sa subliminal message na pinapaabot ng mga apps na tulad ng Grindr. Hmm.

-
"Ay wow. Sige. D-download ko na yan sa phone ko. Haha!" biglang sabi ko sa kaibigan ko.

No comments:

Post a Comment